Tulong Arriba

Patuloy pong tumatanggap ang Letran Calamba ng mga donasyon para sa mga kababayan nating nasalanta ng pagsabog ng bulkang Taal. Simula pa noong Martes (14 Enero) nakapagbahagi na tayo ng tulong sa pitong (7) lugar: sa Siyudad ng Lipa (sa pakikipag-ugnayan sa Lipa Archdiocesan Social Action Center); sa San Vicente Ferrer Elementary School sa Santo Tomas, Batangas; sa mga barangay ng Masili at La Mesa; sa Paciano Rizal; at sa mga barangay ng Bunggo at Mabato ng Siyudad ng Calamba. Ang lahat ng ito ay nagawa natin dahil sa sama-sama nating pagdadamayan.

Para po sa mga nagnanais pang magbigay ng mga donasyon (tubig, bigas , de-latang pagkain, noodles, kumot, banig, face masks, sabon , toothpaste, toothbrush, at iba pa), magtungo lamang po sa main gate ng Colegio. Maraming salamat po at pagpalain kayo ng ating mapagmahal na Ama.